-- Advertisements --

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na lumantad ang panibagong suspek sa pagpatay sa policewoman na si PSMS Diane Marie Mollenido at anak nitong walong taon gulang na si John Ysmael Mollenido.

Ayon kay NCRPO Chief PMGen. Anthony Aberin, personal na nagtungo ang suspek sa Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD CIDU) para sumuko at ilantad ang kaniyang mga nalalaman hinggil sa krimen.

Nauna na dito, sa naging pulong balitaan sa Kampo Crame nito lamang umaga, kinumpirma ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na mayroong mga ‘significant updates’ na hawk ngayon ang pulisya hinggil sa kaso ngunit tumanggi na isapubliko ito sa ngayon dahil na rin sa nagpapatuloy na mga hakbang at imbestigasyon hinggil sa insidente.

Samantala, naman na dito, apat na suspek na ang kasalukuyang hawak ngayon ng mga otoridad kabilang na ang asawa ng biktima na isa ring pulis kung saan inaalam pa sa ngayon kung sino sa mg akusado ang mahahatulan at makakasuhan ng piskalya.