Inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director PMGen. Anthony Aberin na dapat aniyang may taglay na common sense at compassion ang mga miyembro ng pulisya na siyang magpapatupad ng striktong implementasyon ng Safer Cities Initiatives ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ito ay kaugnay pa rin ng naging insidente ng paninita sa isang lalaki sa Mandaluyong City na nagtatrabaho at naghahalo ng semento sa gitna ng mainit na panahon.
Ani Aberin, dapat ang pagkakasa ng mga operasyon na ito ay dapat rin aniyang nagpapatupad ng mataas na antas ng pagtitimpi at mayroong obserbasyon ng pagsunod sa mga umiiral na karapatang pantao.
Samantala, sa kabila nito kung patuloy at paulit-ulit aniya ang mga pagbibigay ng warning ng mga otoridad ay dapat na itong gawan ng aksyon at karampatang mga hakbang.
















