-- Advertisements --

Nagsagawa ng malawakang rigodon ang Philippine National Police (PNP) bunsod ng mga kamakailang insidente ng pangaabuso sa loob ng Philippine National Police Academy (PNPA) noong ABril 3.

Batay sa naging direktiba ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., itinalaga bilang bagong direktor ng akademiya si Police Regional Office 7 Regional Director PBGen. Redrico Maranan habang ang kaniyang pinalitan na si PMGen. Andrei Dizon ay kasalukuyang nasa ilalim ng Personnel Holdings and Accounting Unit (PHAU) habang nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil sa hazing incident sa PNPA.

Maliban dito, walong iba pa bang mga opisyal ang inilipat sa PHAU kaugnay pa rin ng insidente.

Samantala, itinalaga naman bilang kapalit ni Maranan si PBGen. Arnold Evangelista Abad bilang Regional Director ng PRO 7 habang itinalaga naman bilang bagong Ating District Director ng Manila Police District si PBGen. Arnold Casingal Santiago na siyang epektibo kahapon, Abril 15.