Ibinigay ng liderato ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang buong suporta sa pagiisa ng interagency Standard Operating Procedures (SOP) sa mga operasyon nanisasagawa para sa pagsugpo ng mga iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operating (POGO) Companies sa bansa.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., ang pagppatupad at pagbalangkas ng bagong framework para sa mga operasyon ay bahagi lamang ng mas pinatibay na kampaniya ng pamahalaan laban sa mga nagooperate ng mga iligal na gaming hubs sa bansa.
Ang pagbuo ng mas makabagong SOP ay mas magpapatibay din aniya sa mas maayos na koordinasyon ng mga katuwang na ahensya at iba pang law enforcement agencies para ipatupad ang batas na siyang naglalayon na tuluyan nang itigil ang mga POGO hubs sa bansa.
Samantala, ang SOP na ito ang magsisislbi nang “omnibus action plan” na siyang gagamitin ng mga otoridad na siyang sumasaklaw sa buong proseso mula sa pangangalap ng intelligence gathering, mismong operasyon hanggang sa pagsasampa ng mga kaukulang kaso at pagbinigay proteksyon sa mga biktima.
Ang buong sistema ay pangungunahan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Department of Justice (DOJ), Anti-Money Laundering Council (AMLC), Securities and Exchange Commission (SEC), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
















