-- Advertisements --

Ipatutupad ng pamahalaan ang isang inter-agency collaboration sa pag-aresto kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag.

Ayon kay Matibag, magtutulungan ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan sa mga susunod na hakbang sakaling mapatunayang opisyal nang nakaalis ng bansa o nakalabas ng premises ng Senado ang senador.

Dagdag pa niya, kailangang hintayin muna ang pinal na kumpirmasyon bago magsagawa ng anumang aksyon, kabilang ang posibleng manhunt operation.

Kapag nakumpirma ang pag-alis ni Dela Rosa, magsasagawa ng koordinadong operasyon ang National Bureau of Investigation (NBI), Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ), at Philippine Center on Transnational Crime (PCTC).

Binigyang-diin ni Matibag na makikipag-ugnayan din ang mga awtoridad sa Office of the President upang matiyak ang legal at pormal na tugon ng pamahalaan bago maglabas ng opisyal na pahayag hinggil sa operasyon.