-- Advertisements --
Inaprubahan na ng Department of Agriculture ang pag-export ng nasa 100,000 metric tons ng asukal sa Estados Unidos.
Ayon sa DA na ang nasabing hakbang ay makakatulong para mabawasan ang labis na suplay ng asukal sa bansa.
Makakatulong din ito sa pag-angat ng farmgate price ng mga asukal.
Sa huling anihan kasi ay mayroong pagtaas na 130,000 na tonelada ng asukal mula sa lokal na magsasaka.
Paliwanag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na ang i-export ng bansa ng raw sugar ay sa ilalim ng US quota system kung saan ito ay mas mataas kumpara sa level ng world market.
















