Nakatakdang muling humarap si dating Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. sa isang panibagong arraignment at pre-trial ng kanyang mga kaso.
Kung saan nakaskedyul siyang sumailalim sa panibagong arraignment at pre-trial sa Manila Regional Trial Court Br. 12 ngayong darating na Lunes sa Hunyo 30, ng alas-8:30 ng umaga.
Ayon sa inisyung kasulatan ng naturang korte sa pamamagitan ni presiding Judge Renato Enciso, iniuutos nito na maipresenta ang dating kongresista sa pagdinig.
Kasunod ito ng maisumite na ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division ang Return of Warrant of Arrest sa korte kasama ang eksplanasyon ng pagkakaaresto kay former Negros Oriental Rep. Arnie Teves Jr.
Kaya’t dahil dito ay inaasahan ng korte na dadalo ang dating kongresista sa nakatakda nitong muling pagharap sa kanyang kasong kinasasangkutan.
Maalala na una niyang kinaharap dito ang mga kasong may kinalaman sa illegal possession of explosives at illegal possession of firearms.
Nasasangkot din siya sa krimeng kay kaugnayan sa pagpatay o murder kung saan inaakusahan ang ating kongresista bilang ‘mastermind’ sa naging pagpatay kay former Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Sa kasalukuyan ay nagpaparekober pa rin si Teves buhat ng siya’y maoperahan sa Philippine General Hospital dahil sa malubhang pananakit ng tyan.
Mananatili siya sa kustodiya ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa Bicutan, lungsod ng Taguig.