-- Advertisements --

Tinanggal sa pwesto ang provincial chief ng Philippine National Police (PNP) Negros Oriental na si Col. Timmar Alam kaugnay ng pagkasibak at pag-aresto sa anim pang hepe ng ilang bayan at lungsod sa Negros Oriental.

Kasunod ito ng utos ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. at ng “one-strike policy” ng PNP matapos maaresto ang anim na hepe ng bayan ng Ayungon, Tayasan, Sibulan at Pamplona kasama ang hepe ng lungsod ng Bayawan at Guihulngan sa isinagawang anti-illegal gambling operations ng Regional Special Operation Group (RSOG) nitong Agosto 28.

Nahuli umano ang mga hepe sa aktong pagso-solicit at pangongolekta ng mga taya sa illegal numbers games at sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 o ang Anti-Illegal Numbers Games Act of 2001.

Narekober ang umano’y ilang paraphernalia tulad ng betting slips, resibo ng mga taya, claim stubs, mga notebook, ballpen, at cash na pinaghihinaalang ginamit sa sugal.

Itinalaga naman ang deputy provincial director ng PNP Negros Oriental si PCol. Lito Patay bilang officer-in-charge ng PNP Negros Oriental.

COURTESY: Bombo Radyo Bacolod