Reading Time: 1 minute

Itinaas ng Phivolcs ang intensity record sa naitalang 5.5 magnitude kaninang madaling araw sa Surigao del Sur.

ayon sa ahensya, natuklasan nila na mas mababaw ang epicenter ng pagyanig kumpara sa unang data na kanilang nailabas.

Dahil dito, intensity VI na ang record para Carrascal, Cantilan, Carmen, Lanuza at Madrid sa Surigao del Sur.

Una rito, natukoy ang ilang bitak sa mga istraktura at may mga nasugatan pa kaugnay ng pagyanig.

Pinasusumite naman ni Jalad ng report ang mga kinauukulang opisyal upang mapagkalooban ng angkop na tulong ng kanilang tanggapan.