-- Advertisements --

Muling nanawagan si dating Supreme Court Justice Antonio Carpio sa pamahalaan ng Pilipinas na magsimula ng international legal action upang tutulan ang maritime claims ng China sa Spratly Islands.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang paggamit ng historical maps at mga kasunduan tulad ng 1734 Murillo Velarde map at 1900 Treaty of Washington bilang ebidensya ng pag-aari ng Pilipinas.

Naniniwala si Carpio na kung ayaw ng China, Vietnam, at Malaysia sa arbitration, maaaring gamitin ng Pilipinas ang “court of world opinion” upang ipakita ang katotohanan.

Hinihikayat din niya ang gobyerno na makipag-ugnayan sa Vietnam at Malaysia para sa mapayapang arbitration sa International Court of Justice.

Kasalukuyang may mga panukala ring isulong ang bagong arbitration case kaugnay sa Sandy Cay at extended continental shelf ng bansa.

Nananatiling mahalagang isyu ang territorial dispute sa West Philippine Sea sa pandaigdigang arena ng diplomasiya at hustisya. (Report by Bombo Jai)