‘5-MINUTE-RESPONSE’ POLICY, NAKAPAGTALA NG 265K VIOLATORS SA METRO MANILA
Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief General Nicolas Torre III na pumalo na sa kabuuang 265,115 local ordinance violators ang kanilang naitala sa pagpapatupad ng ‘5-minute-response’ policy sa Metro Manila.
Naitala ang pinakamaraming violators sa National Capital Region Police Office na umaabot sa 84,886 violators. Mula sa bilang na ito, aabot sa 1,353 ang pormal na nabigyan ng parusa habang nasa 178,876 ang binigyan ng warning at pinalaya
Ang numerong ito ay katumbas ng 7,364 violators na nahuhuli kada araw sa naturang rehiyon.
Aabot naman sa P59,494,265 na halaga ng penalty ang nakolekta ng mga lokal na gobyerno sa Metro Manila .
Sa isang pahayag ay sinabi naman ni NCRPO regional director Police Major Gen. Anthony Aberin, mahalaga ang mga pagpapatupad ng mga ordinansa para mapigilan ang malalang krimen na kumalat sa komunidad. (report by Bombo Jai)