-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang yumanig sa dagat malapit sa baybayin ng San Antonio, Zambales kaninang umaga.
Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ito kaninang bandang alas-9:32 ng umaga.
Ang epicenter nito ay natukoy sa karagatang sakop ng San Antonio.
Ito umano ay tectonic ang pinagmulan o dulot ng paggalaw ng tectonic plates.
May intermediate depth umano ito at inaasahang masusundan pa ng mahihinang lindol.
Ayon sa Phivolcs, hindi ito inaasahang magdudulot ng malaking epekto ngunit patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon.
Maaaring naramdaman ang pagyanig sa ilang bahagi ng Zambales at mga kalapit-lugar.