-- Advertisements --

Nagkaroon ng bahagyang kalituhan kanina sa pag-aresto kay Pharmally director Linconn Ong, matapos itong kunin ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) sa kaniyang bahay.

Dinampot kasi si Ong habang nagpapatuloy pa ang hearing, kung saan siya humaharap bilang resource person.

Nabatid na dumating ang arresting team habang nagtatanong pa si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa naturang opisyal ng Pharmally.

Pero paglilinaw ni Senate blue ribbon committee chairman Sen. Richard Gordon, ipina-contempt niya lang si Ong, ngunit wala pa naman siyang utos na dalhin na ito nang pisikal sa gusali ng Senado, lalo’t kakatapos lang nitong gumaling mula sa COVID-19.