Nasawi na ang isang empleyado ng pagawaan ng bala matapos ang naganap na pagsabog sa lungsod ng Marikina.
Kinumpirma ni Police Colonel Geoffrey Fernandez, ang hepe ng Marikina City PNP, na dahil sa matinding pinsala na natamo ay hindi na ito nagtagal sa pagamutan.
Habang ang dalawa pa nitong kasamahan ay nagtamo ng pinsala sa katawan.
Ang mga biktima ay pawang mga empleyado ng Armscor Global Defense Incorporated kung saan gumagawa ng bala ang mga ito ng sumabog ang primer na sangkap sa paggawa ng bala dakong alas-2:15 ng hapon.
Pagkatapos ng ilang oras ay pumanaw na ang biktima sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center dahil sa matinding sugat sa dibdib mula sa tumamang shrapnel.
Tiniyak naman ng kumpanya na makikipagtulungan sila sa isasagawang imbestigasyon ng mga kapulisan.