Nadagdagan pa sa nakalipas na mga oras ang mga naitalang patay dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Sa kasalukuyan ay umaabot na ang bilang ng mga nasawi sa 3,204.

-- Advertisement --

Kung saan 2,900 mahigit sa mga ito ay mula sa Mainland China, halos 80 ay mula sa Italy, mahigit 70 ang mula sa Iran at mahigit 30 naman ang nanggaling sa South Korea.

Samantala, 93,526 naman ang nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing bilang, 32,230 o 83% ang mild condition at 6,772 o 17% naman ang serious o nasa critical condition.

Gayunman, mayroon ding 51,031 na naka-recover mula sa virus matapos ang proseso ng gamutan at kalahating buwan ng quarantine.