-- Advertisements --
Nasabat sa Plaridel, Bulacan ang pake-pakete ng hinihinalang shabu at cocaine sa isang drug buy-bust operation na ikinasa ng Philippine National Police Drug Enforecement Group (PNP-DEG).
Isang pinoy at isang Chinese national ang naaresto sa operasyon kung saan nahulihan ang mga ito ng hindi bababa sa 100 kilo ng iligal na mga droga na tinatayang nagkakahalaga ng P700 milyong piso.
Ayon sa mga otoridad, iniimbestigahan na nila ang insidente at kasalukuyang tinitignan kung ito ba ay konektado sa mga floating shabu sa siya namang narekober sa Zambales at Ilocos.
Samantala, nahaharap naman ang mga suspek sa mga kaso sa ilalim ng violation of Republic Act no. 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.