Umakyat na sa 37,781 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa buong mundo dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Pinakamarami sa mga nasawi ay mula sa Italy na may 11,591, pangalawa sa Sapin na may 7,716 at pangatlo ang China na mayroong 3,305.

Ang bilang naman ng mga infected ng deadly virus ay ;umobo pa sa 784,440.

Nasa 551,780 (95%) sa mga ito ay may mild condition, habang 29,492 (5%) naman ang nasa serious o critical condition.

Nananatili naman sa mga bansang may pinakamaraming COVID-19 case ang Estados Unidos na mayroong 163,490 patients.

Habang ang mga naka-recover naman ay umaabot na sa 165,387.