-- Advertisements --

Tumaas ang inflation rate ng Pilipinas nitong Hunyo 2025, matapos ang apat na buwang sunod-sunod na pagbaba.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, umakyat sa 1.4% ang inflation mula sa 1.3% noong Mayo.

Tugma ito sa initial forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas na inaasahang nasa pagitan ng 1.1% hanggang 1.9% ang inflation rate ng Hunyo.

Ang kabuuang inflation para sa taong 2025 ay nasa 1.8%, mas mababa pa rin sa target ng gobyerno na 2% hanggang 4%.

Sinabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa na ang pangunahing dahilan ng pagtaas ay ang mabilis na pagtaas ng presyo ng pabahay, tubig, kuryente, gasolina, at iba pang fuel.

Tumaas ang presyo sa kategoryang ito ng 3.2%, na may pinakamalaking ambag na 63.3% sa kabuuang inflation.