-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Energy (DOE) ang layunin ng draft Department Circular (DC) hinggil sa pagsasama ng nuclear energy sa energy mix ng bansa, at tiniyak ang commitment nito sa pagiging transparent, science
based, at maayos na transisyon.

Ito’y bilang tugon sa pangamba ng publiko kung saan binigyang-diin ng DOE na hindi layunin ng nuclear energy na palitan ang renewable energy (RE), kundi para suportahan lamang ang malinis at matatag na suplay ng kuryente dito sa bansa.

Dagdag pa ng DOE, na ang halaga ng kuryente mula sa nuclear ay mas ”competitive” kumpara sa carbon at natural gas, lalo na kung isasaalang-alang ang mahabang operational life ng mga planta.

Maalalang kasabay ito ng inaasahang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng Philippine National Nuclear Energy Safety Act, na magtatatag sa Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilAtom) at magtitiyak ng pinakamataas na pamantayan ng nuclear safety, security, at safeguards alinsunod narin sa International Atomic Energy Agency (IAEA).

Dagdag pa ng ahensya na hindi sapilitan ang paggamit ng nuclear energy, dahil ang distribution utilities ang magpapasya kung ito’y pasok ba sa ”technically” at ”economically viable,” alinsunod sa umiiral na procurement rules.

Samantala hinimok naman DOE ang publiko na makilahok sa konsultasyon sa Hulyo 15, 2025, o magsumite ng komento sa kanilang email na doenucleardivision@gmail.com.

Nangako pa ang ahensya na mananatili silang tapat sa prinsipyo ng transparency at pamantayan ng internasyonal habang inihahanda ang bansa sa posibleng paggamit nito ng nuclear energy.