-- Advertisements --

Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III na kaniyang napigilan kasama ang ilang kaalyado nito sa Senado ang tangkang pagpapatalsik sa kaniya bilang pangulo ng Senado.

Sinabi nito na isang majority group ang kaniyang kasama para harangin ang anumang tangkang kudeta sa Senado.

Hindi na nagbigay pa ng anumang detalye si Sotto ukol sa nasabing usapin.

Wala rin itong ibinigay na dahilan kung bakit nagbago ang pasya ng mga nagtangkang maglunsad ng kudeta sa Senado.

Magugunitang lumakas ang usapan sa sesyon ng Senado nitong Miyerkules na papalitan ni Senator Loren Legarda si Sotto bilang Senate President.

Pansamantalang umupo kasi si Legarda sa upuan ni Sotto na siyang nagpreside ng session.

Nakakuha pa ng atensiyon ito ng bago mag-adjourn ang sessyion ay tinawag ni Senator Migz Zubiri si Legarda bilang “Madame President”.

Sa pagharap naman ni Zubiri sa mga mamamahayag ay pinaliwanag nito na maaring maging susunod na Pangulo ng Senado si Legarda.