-- Advertisements --

Nagbabala ang Islamic Revolutionary Guard Corps na posibleng targetin ang ilang malalaking kumpanya ng Estados Unidos na nag-ooperate sa Middle East.

Ayon sa kanilang inilabas na pahayag, nasa 18 kumpanya kabilang ang Apple, Microsoft, Google, at Nvidia ang kanilang itinuring na “legitimate targets” bilang ganti sa umano’y pag-atake ng U.S. at Israel laban sa Iran.

Nagbabala rin ang grupo na maaaring magsimula ang mga pag-atake sa kanilang itinakdang oras at hinikayat ang mga empleyado ng naturang mga kumpanya na lumikas na upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Kabilang din sa listahan ang iba pang malalaking tech company gaya ng Intel, Oracle, IBM, Dell, Tesla, at Boeing.

Sa hiwalay na pahayag, sinabi ng isang kinatawan ng Intel na kanilang inuuna ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado at patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon sa rehiyon.

Ayon naman kay Healix CEO of risk management firm James Henderson, hindi na aniya bago ang ganitong uri ng pambabanta at nagiging bahagi na umano ng modernong digmaan ang pag-target sa mga tech companies tulad ng data centers at cloud systems.

Nauna nang napaulat na tinamaan ng Iran ang ilang data centers sa Middle East, na nagdulot ng aberya sa mga digital services sa United Arab Emirates (UAE).

Kaugnay nito nagpapatuloy parin ang digmaan sa rehiyon matapos ang joint military operations ng U.S. at Israel noong Pebrero 28, na nagbunsod ng pag-ganti Iran.

Libu-libong missiles at drones na ang naiulat na pinakawalan sa iba’t ibang bansa sa Middle East.

Samantala, kumpiyansa si U.S. President Donald Trump na makakaalis ang U.S. military forces sa Iran sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo, habang nakatakda siyang magbigay ng pahayag sa Miyerkules ng gabi (araw sa Amerika) ukol sa digmaan.