-- Advertisements --

Lumabas na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Severe Tropical Storm Paolo, ayon sa pinakahuling ulat ng mga awtoridad.

Tinatayang nasa 295 kilometro sa kanluran ng Sinait, Ilocos Sur ang sentro ng bagyong Paolo, batay sa lahat ng nakalap na datos.

Kumikilos ito pa-kanluran hilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

May taglay itong pinakamalakas na hangin na umaabot sa 110 kilometro bawat oras malapit sa gitna, at pagbugsong hangin na umaabot sa 135 kilometro bawat oras.

Nananatiling nasa ilalim ng Signal No. 1 ang mga sumusunod na lugar:
Kanlurang bahagi ng Abra
Kanlurang bahagi ng Benguet
Timog bahagi ng Ilocos Norte
Buong Ilocos Sur
Buong La Union
Kanlurang at gitnang bahagi ng Pangasinan
Hilagang bahagi ng Zambales