-- Advertisements --

Naabisuhan na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pamilya ng tatlong nasawi at 14 na nasugatan sa nangyaring riot sa New Bilibid Prisons (NBP) kahapon.

Ayon kay BuCor spokesman Col. Gabriel Chaclag sa panayam ng Bombo Radyo, matapos ang insidente kahapon ay sinimulan na nilang i-locate ang mga kaanak ng mga ito.

Ang mga binawian ng buhay ay maaaring suduin upang ilibing sa pinangmulang lugar o ipa-cremate na lamang dito sa Metro Manila.

Samantala, nasa stable condition naman ang 14 na nasugatan sa gulo pero patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ng NBP.

“Inaasikaso po natin yung mga nasugatang nadamay sa kaguluhan,” wika ni Chaclag.

Muli rin umanong magsasagawa ng oplan galugad, lalo’t may mga bagong armas na namang nagawa ang ilang inmate sa loob lamang ng maikling panahon.