-- Advertisements --

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang tropical depression na si ‘Fabian’.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na tuluyan ng humina ang bagyo habang ito ay papalabas ng PAR.

Hindi na rin ito magdadala ng anumang pag-ulan o hahatakin ang habagat.

Habang ang binabantayan na isa pang bagyo na may international name na “PODUL” ay nananatiling nasa labas pa ng PAR.

Inaasahang lalakas muli ang habagat kapag lumapit sa bansa ang inoobserbahang bagyo.

Kaya naman, pinaghahanda ang publiko sa mga pagbaha at pagguho ng lupa.