-- Advertisements --

Hihilingin ng Department of Justice (DOJ) ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para sa pagsusuri ng DNA samples sa pagkilanlan ng mga labi ng nawawalang sabungeros.

Sinabi ni DOJ Secretary Crispin Remulla, na mahalaga na tulungan sila ng NBI para ibigay ang kanilang evaluation.

Mula kasi ng magsimula ang pag-search sa Taal lake noong Hulyo 10 ay ilang sako na naglalaman umano ng mga buto ng tao ang narekober ng Philippine Coast Guard.

Naisapasakamay na Philippine National Police (PNP) ang mga samples para sa DNA testing at cross-matching.

Paliwanag pa ni Remulla na ang pagsali ng ilang mga eksperto gaya ng NBI ay may malaking tulong para sa pagresolba ng kaso.