-- Advertisements --

Arestado ang isang ‘Chinese’ national sa ikinasang operasyon ng mga operatiba ng Bureau of Immigration sa Zambales.

Ayon sa naturang kawanihan, inaresto ang nabanggit na dayuhan dahil sa ‘overstaying’ nito at pagiging hindi dokumentado habang nananatili sa bansa.

Kinilalang si Shuilin Li, 70-taon gulang ang matagumpay na naaresto sa Botolan, Zambales sa operasyong isinagawa ng Bureau of Immigration.

Ang naturang ‘joint operation’ ay pinangunahan ng Immigration Regional Intelligence Operations Unit III katuwang ang ilang mga tauhan ng Philippine Army at karagdagang government intelligence forces sa koordinasyon kasama ang lokal na pulisya.

Batay sa impormasyon ng kawanihan, nang maaresto ang naturang dayuhan ay bigo itong makapagpresenta ng ‘valid immigration documents’.

Bunsod nito’y agaran siyang hinuli kasama pati ang isa pang tila umano’y Chinese national rin dahil sa wala itong maipakitang passport o patunay na ligal pa ang pananatili sa bansa.

Ang magkaparehong indibidwal ay nahaharap ngayon sa ‘deportation’ at ‘blacklisting’ sa paglabag nito sa immigration laws ng Pilipinas.

Habang pansamantalang inilipat ang mga ito sa Maynila para sa booking at commitment tungo sa pasilidad ng kawanihan sa Taguig city.