-- Advertisements --
Pinag-aaralan pa ng Philippine Ports Authority (PPA) ang hiling na taas singil sa terminal fee ng mga pasahero sa Batangas Port.
Ayon kay PPA General manager Jay Santiago na humihirit ang Asian Terminals Inc. (ATI) ng taas singil na mula P30 ay magiging P100.
Dagdag pa ng opisyal na ang nasbing terminala y nagbibigay ng magandang serbisyo sa mahigit 8,000 pasahero doon.
Pagtitiyak ni Santiago na kanilang pag-aaralang mabuti ang nasabing pagtaas ng terminal fee.
Kanilang tinitignan ngayon na ang pagtaas ng singil sa mga pasahero ay magiging pahirap ito sa mga tumatangkilik doon.
Paliwanag naman ng ATI na mula pa noong 2010 ay hindi pa sila nagtaas ng singil.