-- Advertisements --
Nais ni Vice President Sara Duterte na makakuha ng kaunting ebidensiya mula sa prosecution at defense na iprinisenta sa impeachment trial.
Ito ay kasunod sa hamon ni Senator Erwin Tulfo na dapat ilabas ng Bise President ang mga dokumento sa paggamit ng pondo ng gobyerno sa kaniyang opisina at noong ito ay kalihim pa ng Department of Education.
Sinabi ni Duterte na kahit nais niyang makakuha ng ebidensya ay hindi rin ito mangyayari.
Pinaghahandaan na rin ng kaniyang mga abogado ang mga kasagutan dahil tiyak na sa natitirang taon niya sa puwesto ay mayroong maghahain muli ng impeachment complaints.