-- Advertisements --

Patuloy na binabantayan ang namumuong sama ng panahon sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ngayong araw, namataan ang isang Low Pressure Area (LPA) sa layong 550 kilometro sa silangan ng Infanta, Quezon.

Patuloy itong mino-monitor ng mga eksperto dahil sa posibleng pag-ulan na maaaring idulot nito.

Kasalukuyang nakaaapekto rin ang Southwest Monsoon sa Mindanao, gayundin sa kanlurang bahagi ng Southern Luzon at Visayas.

Kabilang naman sa mga rehiyong maaring ulanin dahil sa weather disturbance formation ay ang Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora, Quezon, Marinduque, at Romblon.

Apektado rin ang ilang bahagi ng Eastern Visayas tulad ng Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, at Leyte.

Pinapayuhan ang publiko na maging alerto at patuloy na makinig sa mga abiso para sa kanilang kaligtasan.