Pumasok na sa karagatang sakop ng Pilipinas ang low pressure area (LPA).
Namataan ito sa tinatayang 1,100 kilometro sa silangan-timog-silangan ng Southeastern Mindanao.
Ayon sa ahensya, may posibilidad itong lumakas at maging tropical depression sa loob ng susunod na 24 oras.
Kung sakaling umabot na sa 45kph ang taglay nitong hangin, ito ang magiging unang bagyo ng taon na papangalanang “Ada.”
Kasabay nito, patuloy na umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan na nagdudulot ng malamig na panahon at mga pag-ulan sa Northern Luzon.
Dahil dito, inaasahan ang maulap na kalangitan sa Cordillera, Cagayan Valley, at Aurora.
Samantala, ang LPA ay nagdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa Davao Region at mga karatig na lugar.
Pinapayuhan ang publiko na mag-monitor sa mga abiso at maghanda sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga mabababang lugar.
















