-- Advertisements --

Interesado pa rin ang gobyerno ng Pilipinas na bumili ng mga kagamitang pandepensa sa bansang India.

Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang panayam sa kung saan kaniyang ibinahagi na may mga naka linyang mga procurement para sa kagamitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na bahagi ng nagpapatuloy na modernisasyon ng hukbo.

Subalit nilinaw ng Pangulo ang patuloy na pagbili ng mga military equipment ng Pilipinas ay hindi paghahanda sa giyera kundi maging handa sa pagtugon sa mga hamong kinakaharap.

Aniya, kailangan depensahan ang bansa sa anumang mga banta.

Dagdag pa ng Pangulo may mga joint military exercises na isinasagawa ang AFP kasama ang kanilang mga counterparts kaya nararapat lang din na i-upgrade ng Pilipinas ang mga kagamitan nito.

Ipinagmalaki ng Pangulo ang ginawang acquisition ng Pilipinas na Indian made na Brahmos missile.

Dahil dito inihayag ng Pangulo, may plano ang Pilipinas na dagdagan pa ang pagbili ng mga Brahmos missile lalo at maganda ang feedback ng mga sundalo na nag ooperate sa nasabing kagamitan.