-- Advertisements --

Binalaan ng Pagasa ang mga residente ng Palawan na maghanda sa landfall ng typhoon Odette.

Ito na ang ika-siyam na pagtama ng mata nito sa lupa mula nang una itong humagupit sa Siargao Island sa Caraga region.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 90 km sa timog timog kanluran ng Cuyo, Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 155 kph at may pagbugsong 215 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pakanluran sa bilis na 25 kph.

Signal No. 3:
Northern portion ng Palawan, kasama na ang Cagayancillo, Cuyo Islands, southern portion ng Iloilo at southern portion ng Antique

Signal 2:
Southern portion ng Oriental Mindoro, southern portion ng Occidental Mindoro, western portion ng Romblon, central portion ng Palawan, kasama na ang Kalayaan at Calamian Islands, Aklan, Capiz, nalalabing bahagi ng Iloilo, natitirang parte ng Antique, Guimaras, northern at central portions ng Negros Oriental at Negros Occidental

Signal No. 1:
Masbate, kasama na ang Ticao at Burias Islands, Marinduque, southern portion ng Quezon, nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro, kasama na ang Lubang Islands, nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro, natitirang parte ng Palawan, nalalabing bahagi ng Romblon, Batangas, Cebu, kabilang na ang Bantayan at Camotes Islands, Bohol, Biliran, western portion ng Leyte, western portion ng Southern Leyte, Siquijor, northern portion ng Zamboanga del Norte at northern portion ng Misamis Occidental