-- Advertisements --
Umabot na sa Task force Alpha ang nagaganap na sunog sa Bldg. 9, Aroma sa Road 10, Tondo.
Ayon sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), daan-daang pamilya ang apektado ng sunog.
Hirap din silang makapasok, gamit ang fire trucks dahil sa makipot na daan.
Dagdag na nagpabagal pa sa operasyon ng mga tauhan ng BFP ang pilit na pagpasok ng mga residente sa lugar upang magsalba ng kani-kanilang gamit.
Sa nakalipas na mga oras, may mga naitala nang pagsabog sa lugar na pinaniniwalaang dulot ng mga LPG tanks na nasa loob ng mga nasusunog na bahay.
Patuloy pang inaalam kung may nasawi o nasaktan sa pangyayari.