-- Advertisements --

Bumaba ang Women’s Tennis Association (WTA) ranking ni Filipina tennis star Alex Eala.

Mula sa dating numero 65 noong Hulyo 28 ay naging pang-68 na ito.

Isa sa mga naging dahilan ng pagbaba ng kaniyang ranking ay ang pagkakabigo niya kay  Markéta Vondroušová sa round 1 ng Canadian Open.

Magugunitang noong Hunyo ay naabot nito ang pinaka-career-high na pang-56.

Inaasahan na sasabak si Eala sa Monterrey Open sa Mexico at sa US Open ngayong buwan.