Naghain ng resolution si Manila 6th District Representative Bienvenido “Benny” Abante Jr para sa muling pagbuo ng House Quad Committee (QuadComm) na tatalakay sa hindi pa nareresolbang extrajudicial killings, offshore gaming hubs at ibang usapin para sa 20th Congress.
Sa kaniyang privilege speech, sinabi nito na maraming trabaho na hindi pa natatapos at ang katotohanan ay hindi na lumalabas.
Layon nito na ipakita sa mga kaanak ng biktima ng EJK na hindi pa natatapos ang imbestigasyon ng kongreso.
Laman ng kaniyang House Resolution 106 na hinihiling nito sa Human Rights Public Order and Safety, Dangerous Drugs and Public Accountability na magsagawa ng joint inquiry para tugunan ang hindi pa nareresolbang isyu sa nagdaang Quadcom noong 19th Congress.
Dagdag pa ni Abante na ang “Quad Comm 2.0” ay papalawigin ang investigation sa problema ng kriminalidad at sindikato na namayagpag noong nakaraang mga taon.
Inihalimbawa nito ang mga nawawalang sabungero na konektado sa EJK.