Nagkasundo ang Regional Peace and Order Council ng National Capital Region (NCR) sa tuluyang pagbabawal ng paggamit ng anumang uri ng paputok sa Metro Manila ngayong taon.
Sa pamamagitan nito ay isang resolution ang kanilang ipinasa na nagrerekomenda ng pagbabawal ng paggamit ng anumang uri ng paputok.
Binubuo ang council ng mga alkalde ng Metro Manila at mga iba’t ibang ahensiya.
Sinabi ni Health Promotion and Media Relations Unit head ng Department of Health sa NCR Dr. Laila Celino, ibinasi nila ang resolusyon sa hindi pa rin nawawalan ang mga biktima ng paputok.
Umaasa ito na ipapatupad din ng ilang alkalde sa NCR ang nasabing resolusyon nila.
Magugunitang inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tuluyang pagbabawal ng paggamit ng anumang uri ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon.