-- Advertisements --
Ibinunyag ngayon ng mataas na opisyal ng Iran na nasugatan ang kanilang pangulo na si Masoud Pezeshkian matapos ang airstrike ng Israel.
Ayon sa senior official ng Iran, nangyari ang insidente habang nagsasgawa umano ng Supreme National Security Council meeting noong Hunyo 15 sa Tehran.
Ang nasabing assassination attempt ay target ang pinuno ng tatlong hanay ng gobyerno sa Iran.
Tiniyak aniya nila na hindi nila palalampasin ang insidente at sila ay gaganti.
Magugunitang sa 12-araw na palitan ng airstrike ng Iran at Israel ay nagtala ng ilang katao ang nasawi.