-- Advertisements --

Muling nagsagawa ng airstrike ang US sa tatlong bangka na umanoy nagdadala ng iligal na droga sa eastern Pacific at sa Caribbean.

Ayon sa US Southern Command na sa nasabing operasyon ay nasawi ang 11 na katao na lulan ng nasabing mga barko.

Mayroon kasi silang nakuhang impormasyon na ang mga ito ay may kargang mga iligal na droga.

Walang mga miyembro ng US military ang nasaktan habang mayroong apat na nasawi sa unang bangka, apat din sa pangalawa at tatlong katao naman ang nasawi sa ikatlong bangka.

Mula pa noong Setyembre ng nakaraang taon ng simulan ng airstrike ay umabot na sa 135 katao ang nasawi.

Iginigiit ni US President Donald Trump na ang mga bangka na pinapatakbo ng mga cartels ay siyang nagdadala ng mga iligal na droga sa US.