-- Advertisements --

Itinanggi ng bagong talagang Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez na bahagi siya ng tobacco industry.

Sinabi ni Gomez na bago pa man niya tanggapin ang pwesto siya ay isa ng private citizen.

Tugon ito Gomez sa mga kumukuntra sa kaniyang pagkakatalaga bilang kalihim ng PCO.

Ayon kay Gomez na handa nitong sagutin ang mga pangamba ng ilang sektor hinggil sa kaniyang appointment, sa tamang forum.

Binigyang-diin ng kalihim na kaniyang niri respeto ang opinyon ng iba.

Gayunpaman, sinabi ni Gomez na hindi naman ito tungkol sa kaniya, kundi ang pagpapabatid sa publiko ng mga programa at polisiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ng buong administrasyon.

Maninindigan din aniya siya sa pangako nang manumpa sa pwesto na tapat na paglilingkuran ang pangulo at ang sambayanang Pilipino.

Nuong Biyernes nanumpa na si Gomez bilang bagong kalihim ng Presidential Communications Office kapalit ni dating Acting PCO Secretary Jay Ruiz na itinalaga ng Pang. Ferdinand Marcos Jr bilang miyembro ng Board of Directors ng MECO.