-- Advertisements --

Nanawagan si reelected Leyte 1st District Representatives Martin Romualdez na magkaisa sa pagtanggol sa soberenya ng bansa at maging Pilipino sa salita, sa gawa at sa tungkulin.

Mensahe ito ng dating speaker kasunod ng pagdiriwang ng bansa sa ika-19 anibersaryo ng makasaysayang 2016 Arbitral Award tungkol sa West Philippine Sea.

Inilarawan ni Rep. Romualdez, ang desisyon bilang isang makasaysayang pagtanggap ng lehitimong pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea na isang tagumpay hindi lamang para sa bansa, kundi para sa pamahalaan ng batas.

Ayon kay Romualdez ang Arbitral Award ay nagpapahayag na ang West Philippine Sea ay pag-aari ng mga Pilipino batay na rin sa international laws.

“This was a victory of principle over power, of law over intimidation. And it reminds us of what we can achieve when we stand as one people, bound by patriotism and a deep love for country,” pahayag ni Rep. Romualdez.

Kung maalala July 12, 2016, nang magbaba ng ruling ang Permanent Court of Arbitration sa The Hague, kung saan pinapawalang bisa nito ang nine-dash line claim ng China at pinanatili ang mga karapatan ng Pilipinas sa karagatang ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Ipinunto ni Rep. Romualdez na ang Arbitral Award ay higit pa sa isang diplomatikong dokumento ito ay isang buhay na patotoo sa katatagan ng mga Pilipino at karampatang pagmamay-ari sa ating mga karagatan.

Binalaan din ni Rep. Romualdez ang tungkol sa mga kampanya ng maling impormasyon na naglalayong magpababa o magbaluktot ng desisyon, na pinapabilang ang mga Pilipino na manatiling mapagmatyag.

“The West Philippine Sea is ours. And as long as we stand as one brave, just, and proudly Filipino we will always stand on the side of what is right,” Let us live our nationhood not just today, but every day in word, in deed, and in duty,” pahayag ni Rep. Romualdez.