-- Advertisements --

Nahaharap sa banta ng malawakang pagbaha ang 12 rehiyon sa Luzon ngayong Disyembre-12 dahil sa pag-iral ng shearline at northeast monsoon o hanging amihan.

Ang dalawang weather system ang magdudulot ng mga serye ng pag-ulan na inanasahang magiging sanhi ng pagbaha sa mga sumusunod na lugar:

Region 2 (Cagayan Valley): Isabela, Cagayan, Quirino

Region 3 (Central Luzon): Aurora

Region 4A (CALABARZON): Quezon

Region 5 (Bicol Region): Camarines Norte, Catanduanes, Albay, Masbate, Camarines Sur, Sorsogon.

Inaasahang aangat ang lebel ng tubig sa mga kailugang nasasaklaw ng mga nabanggit na probinsiya na maaaring umabot sa mga mabababang komunidad at highly urbanized areas.