-- Advertisements --

Natapos na ang bicameral conference committee meeting para sa pinal na bersyon ng 2026 national budget.

Pasado alas-2:20 ng umaga nitong Disyembre 18 ng tapusin ng Senado at House of Representative ang pagtalakay sa ilang mga amendment ng 2026 General Appropriations Bill.

Umabot sa anim na araw ang bicameral conference na nagsimula mula Disyembre 13 hanggang 18.

Pinangunahan nina Senate Finance Committee Chairperson Sherwin Gatchalian at House Appropriations Chair Mikaela Suansing ang bicameral meeting.

Ngayong taon ay isang makasaysayan dahil sa kadalasan isinasagawa ang closed-door bicameral conference sa budget subalit ngayon sa unang pagkakataon ay naka-livestream na.

Ang P6.793- trilion na 2026 General Appropriations Bill ay nakatakdang ipasa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr para kaniya itong aprubahan.