Hawak na ng TNT Tropang 5G ang unang panalo laban sa San Miguel Beermen 99-96 sa PBA 49th Season Philippine Cup Finals.
Nahabol ng Tropang 5G ang 19-0 run ng Beermen sa unang quarter para makuha ang 1-0 na kalamangan sa best of seven finals sa laro na ginanap sa Smar Araneta Coliseum.
Bumida sa panalo ng TNT si RR Pogoy na nagtala ng 23 points habang mayroong 19 points, anim na rebounds at tatlong rebounds naman si Jordan Heading at tig-13 points naman sina Calvin Oftana at Brandon Ganuelas-Rosser.
Hawak ng TNT ang kalamangan 61-42 sa halftime at pinalawig pa ang kalamangan ng 24 points sa third quarter 67-43.
Hindi naman pumayag ang Beermen at nagtala sila ng 19-0 run sa last quarter sa pagtutulungan nina June Mar Fajardo, Don Trollano at CJ Perez kung saan hawak nila ang kalamangan 93-92 sa natitirang ilang minuto ng last quarter.
Hindi ikinatuwa ng Beermen fans ang tawag ng mga game officials ang dunk attempt ni Mo Tautuwaa na ito ay pumasok din para makuha nila ang 98-97 na kalamangan subalit tinawag nilang offensive basket interference.
Tinapos ng TNT ang laro sa pamamagitan ng dalawang free throws na naipasok ni Calvin Oftana.