-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang bineberipika ang ulat na dalawang minero umano ang nasawi matapos gumuho ang Kamagtong tunnel na kanilang pinagtatrabahuhan sa Purok 5, Sitio Hagumitan, Barangay Bolhoon, sa bayan ng San Miguel, Surigao del Sur.

Sa oras ng pagkuha ng ulat na ito, patuloy pa ring nagsusumikap ang mga kasamahan ng mga minero, mga opisyal ng barangay, at mga rescuers na maibaba ang dalawang nasawing minero matapos na matagumpay na mailigtas mula sa bundok ang isa pa nilang kasamahan na natagpuang buhay.

Ito na ang ikalawang insidente na may kaugnayan sa pagmimina ngayong buwan ng Hulyo, kasunod ng naunang nangyari sa Sitio Cosep, Purok 11, Barangay Bayugan 3, Rosario, Agusan del Sur noong Hulyo a-3, kung saan apat na illegal small-scale miners ang nasawi matapos bahain ang tunnel na kanilang pinagtatrabahuhan.