Aabot sa P400,000 ang halaga ng mga ari-arian ang natupok matapos ang pagkakasunog ng pagawaan ng paputok sa Bocaue, Bulacan nitong Sabado ng gabi.

Itinaas pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa ikatlong alarma sa pagkakasunog ng pagawaan ng paputok na nagsimula pasado ala-6 ng gabi.

Umabot sa mahigit isangoras bago ideklarang fire out ang insidente.

Inaalam na ng BFP ang sanhi ng nasabing sunog.