-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Umapela ng karagdagang tulong pinansyal at kagamitang pambahay ang nasa higit 400 indibidwal o 118 pamilya apektado ng malaking sunog sa Aguda Street, Brgy 24,Cagayan de Oro City.

Kasunod ito nang pamamalagi ng mga apektadong pamilya sa barangay covered court dahil walang naisalba na kagamitan resulta ng malawakang pagtupok ng apoy sa maraming kabahayan sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag naman ni Fire Officer 2 Ky Nichol Perez ng Bureau of Fire Protection- Cagayan de Oro District na kabilang sa mga tiningnang dahilan ng sunog ang faulty electrical wiring sa ikalawang palapag ng Bahay na pagmay-ari ng isang Maymay Amahon.

Sinabi ni Perez na bagamat nagpapatuloy pa ang ginawa nila na imbestigasyon sapagkat gusto ng BFP na matiyak ang dahilan ng sunog kaya isusumite pa sa kanilang tanggapang-sentral ang makolekta na mga ebedensiya sa fire scene.

Magugunitang mayroong ilang residente ang sugatan subalit hindi naman seryoso dahil sa nagliliyab na apoy at masikip na lokasyon ng sunog.

Sa kasakuluyan ay nakarating na ang tulong ng city government ng syudad subalit hindi pa ito sapat upang magamit sa muling pagtayo ng mga biktima.

Nagtala ang nasabing sunog ng structural damage na hindi bababa sa apat na milyong piso batay sa BFP estimate habang wala pa’g inilabas na datos ukol sa personal belonging damages ang city government na mula mismo sa salaysay ng mga apektadong pamilya.