-- Advertisements --

Patay ang limang katao matapos ang naganap na sunog sa isang residential area sa Barangay Buting, Lungsod ng Pasig.

Naganap ang insidente pasado alas-10 ng gabi nitong Miyerkuels, Hunyo 4.

Pawang mga magkakamag-anak ang mga nasawing biktima kung saan ang pinakabata ay isang taong gulang na sanggol.

Unang nakita ang bangkay ng mag-iina sa ikatlong palapag ng gusali habang sa ikaapat na palapag naman ng gusali nakita ang bangkay ng mag-ama.

Natagpuan naman na nahulog sa sahig ng gusali ang isang taong gulang na sanggol.

Gawa sa light materials ang bahay kung saan hindi bababa sa 10 kabahayan ang nadamay doon at apektado ang mahigit 50 katao.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad ukol sa insidente.