-- Advertisements --

Nanindigan ang defense team ni dating Pang. Rodrigo Duterte na wala sa maayos na kalusugan ang dating presidente para humarap sa paglilitis.

Ayon sa defense, dumaranas si Duterte ng ‘severe memory loss’ kung saan minsan ay nakakalimutan na rin umano niya ang pangalan ng kaniyang mga abogado.

bagaman hindi pa naisasapubliko ang panibagong assessment sa lagay ng kalusugan ng dating pangulo, parehong nagbigay ng komento ang defense at ang prosecution panel ng International Criminal Court, ang naturang dokumento ay inilabas ng ICC, bago ang nakatakdang case conference ngayong araw, Sept. 16.

Nakasaad sa 13-page defense submission na dumaranas ang dating pangulo ng Pilipinas ng ‘significant memory impairment’ na pumipigil sa kaniya para balikan ang kaniyang mga ala-ala o karanasan.

Ang naturang kalagayan, ayon sa defense team, ay pumipigil din sa kaniya para makapagbigay ng maayos na instruction sa kaniyang Lead Counsel.

Ayon sa panel, paminsan-minsan na lamang umano niya naaalala ang pangalan ng kaniyang pangunahing abogado.

Samantala, inihayag naman ng lead counsel ng dating pangulo na si Peter Haynes na napilitan siyang maghanda ng kaso at mga argumento nang walang ‘meaningful input’ mula sa kaniyang mismong kliyente.