Tyreke Evans
Tyreke Evans/ IG post

Pinatawan ng dalawang taon na ban si Indiana Pacers player Tyreke Evans matapos na magpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Inanunsiyo mismo ng NBA ang agarang suspension sa 10-year basektball veteran matapos na bumagsak sa anti-drug program ng liga.

Ang 29-anyos na si Evans ay mayroong 15.7 points average.
Naging fourth pick ng Memphis Grizzles noong 2009 si Evans bago lumipat sa Sacramento Kings.

Noong 2016 ay pinatawan din ng ban si O.J. Mayo ng Milwaukee Bucks dahil rin sa parehas na paglabag.