-- Advertisements --

May sinusundan nang mga lead ngayon ang Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group kaugnay sa bagong deepfake videos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kumakalat sa internet na nagpapakita na nageendorso ito ng isang online trading platform na siyang una nang ipinagbigay babala ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).

Kasalukuyan nang sumasailalim sa case-build up ang naturang deepfake videos upang matukoy kung sino at saan galing ang mga naturang video ng pangulo.

Inihahanda na rin ang cyber warrant para sa mga inidibidwal na nasa likod ng paggawa ng videos na ito at may mga mangilan-ilan na rin aniya silang natukoy na sangkot dito na may kinalaman din aniya sa iba pang mga deepfake videos ng ilang pang personalidad.

Samantala, nakikipagugnayan na ang ACG sa mga social media platforms para naman sa preservation of data at pagpapaalis at pagtake down ng naturang vudeo ng Pangulo para maiwasan pa ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon.